Sa "blog" ko na ito, hindi ako mag-iingles.Bakit? Gusto ko lang. May aangal ba?
Sa wakas! Natapos din ang paglalahad ko ng mga pangyayari sa aming buhay simula 2002 hanggang 2005. Nakarating din sa mga kwento ng 2006. Ito angisa sa pinakamasayang taon namin. Ito rin ang taon na kami ay nakapagbakasyon sa Ilocos. Ilang beses na ako nakarating ng Ilocos Norte. Dito kasi nakatiraand kapatid ng aking butihing ina ngunit ito ang unang punta ko kasama si Dingdong at ang pamilya niya.
Semana Santa ng 2006 noong kami ay nagpunta ng Ilocos. Mahabang bakasyon ang Ilocos trip na ito. Halos 5 days. Unang sinadya namin ang lugar ng Pagudpod. Mabuti na lang at hindi pa punuan nung araw na dumating kami doon. Mapalad kaming nakakuha ng matutuluyang malapit sa Pagudpod white beach. Swerte rin dahil may aircon ang kwarto at may common kitchen.
Maganda ang tubig ng Pagudpod. Noong una akong nakarating dito, pakiramdam ko halos nasa Boracay na rin ata ako. Nagbabad kami sa tubig dahil wala pa mashadong tao at nang gumabi na, sinamantala naman namin ang liwanag ng bilog na bilog na buwan. Doon na rin kami sa resort naghapunan.
Matapos ang tatlong araw sa pagudpod, kami ay tumungo sa aking tiyuhin sa Sarrat, Ilocos Norte.Doon naman dinako namin ang kinaaaliwan naming ilog. Hindi ko maalala ang pangalan ng ilog na ito.Basta alam ko, tuwing pumupunta kami sa aking mga kamag-anak, dito kami madalas magpalipasng init ng panahon. Overnight lang kami sa Sarrat. Kinabukasan, kami naman ay pumunta na ng Vigan.
Eto ang pinakahihintay ko na lugar. Sa dami ng beses ko nang nagbakasyon ng Ilocos Norte, hindi pa ako ni minsan nakabisita sa Vigan. At hindi naman ako nabigo dahil nakakatuwang pagmasdan ang mga lumang bahay at gusali ng Vigan. Nagpunta rin nga pala kami sa Baluarte ni Chavit Singson kung saan nakahawak ako ng ahas. (Si Dong binuhat pa!)
Sarap talaga magbakasyon..lalo na pag kasama mo yung taong mahal mo. (Naks naman!)
No comments:
Post a Comment